^

Police Metro

2 tulak utas sa drug bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa
2 tulak utas sa drug bust
Ang dalawang napatay ay kinilalang sina Christopher Santiago, ng Barangay Fatima; at Alvin Garcia, ng Barangay Valle Cruz, sa lungsod ng Cabanatuan.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang lala­king drug pusher habang naaresto ang limang iba pa sa magkakahiwalay na drug buy-bust operations sa mga lungsod ng Cabanatuan at San Jose, Nueva Ecija.

Ang dalawang napatay ay kinilalang sina Christopher Santiago, ng Barangay Fatima; at Alvin Garcia, ng Barangay Valle Cruz, sa lungsod ng Cabanatuan.

Ang limang naaresto ay kinilalang sina  Jerome Flores, 21, ng Barangay Bitas, Cabanatuan City; Jervin Domingo,  22, ng Purok Orchid, Barangay San Miguel na Munti,  Talavera, Nueva  Ecija; Herman Hipolito, 36; Erica Espinosa, 23, dalaga; at Jonathan Roque, 25, binata, pawang mga nakatira sa Zone 10C, Brgy. Abar 1st, San Jose City,  Nueva Ecija.

Sa ulat ng Cabanatuan City Police, bandang alas-4:20 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation sa Purok Matulungin, Barangay Barrera na kung saan ay nanlaban umano sina Santiago at Garcia nang matunugan na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya’t sila ay napatay.

Nakuha sa crime scene ang 13 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang caliber .45 pistol, isang caliber .38, isang P500 bill (buy-bust money), isang Honda TMX 125 Tricycle na may improvised plate number 033204 at isang motorsiklong Kawasaki Bajaj na walang plaka.

Dakong alas-6:20 ng gabi nitong Huwebes ay nagsagawa rin ng drug buy-bust operation sa Purok Mulawin 1, Barangay Bitas at dito naaresto ang lima.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with