^

Police Metro

Bigas pinaglaruan... paslit napatay ni tatay

Rhoderick Beñez - Pang-masa
Bigas pinaglaruan... paslit napatay ni tatay
Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinila­lang si John Rey Corsiga Momo, residente ng nasabing lugar.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng isang ama ang kanyang 5-anyos na anak na lalaki matapos niya itong gulpihin at itulak sa hagdan ng kanilang bahay dahil lang sa natapong bigas na pinaglaruan nito kamakalawa ng gabi sa Purok 7, Brgy. Kinamon, Sto. Tomas, Davao del Norte.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinila­lang si John Rey Corsiga Momo, residente ng nasabing lugar.

Agad nadakip ang tatay nitong si Gilbert Antonio Momo, 32, na sising-sisi sa pangyayari at hindi makapaniwala na napatay niya ang kanyang bunsong anak.

Sa imbestigasyon ng  pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas- 10:45 ng gabi ay kararating ng suspek sa bahay nang makita ang anak na nilalaro ang bigas na kanyang natapon.

Galit na galit ang ama na kinompronta ang anak na kanyang sinampal at pagkatapos ay binugbog pa nito kaya’t ganun na lamang ang palahaw ng iyak ng bata.

Sa halip na maawa ay lalo umanong nainis ang tatay kaya’t sinipa ang anak hanggang sa mahulog sa hagdanan.

Nang mahulog sa hagdanan ay muli niyang ginulpi ang anak hanggang sa ito ay mawalan ng malay tao.

Doon lang nahimasmasan ang tatay kaya’t agad niyang dinala ang anak sa Municipal Health Center sa Brgy. Tibal-og, Sto. Tomas, Davao Del Norte, subalit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa mga tinamong pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at posibleng pagbuo ng dugo sa ulo nang mahulog ang bata.

Nakahandang kasuhan ng pulisya ng infanticide ang ama.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with