^

Police Metro

5 sakay ng trike todas sa road crash

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa
5 sakay ng trike todas sa road crash

MANILA, Philippines — Nasawi ang limang katao sa magkahiwalay na aksidente na kung saan ang isang tricycle ay nabangga ng bus habang ang isa ay nasalpok naman ng SUV sa lalawigan ng Laguna at Albay.

Sa Brgy. San Juan, Alaminos, Laguna ay nasawi ang mga biktimang sina Sherwin Bagumba, 37, driver ng tricycle at pasahero nitong si Sheryl Cabangal, 35, vendor, pawang residente ng  Brgy. San Benito ng nasabing bayan matapos ang sinasakyan nilang tricycle ay nasalpok ng isang bus dakong alas-5:40 ng hapon sa kahabaan ng Maharlika Highway.

Nabatid na minamaneho ni Bagumba ang kanyang tricycle sakay si Ba­ngal patungo sa direksyon ng Sto. Tomas, Batangas at pagsapit sa kahabaan ng highway ay nabangga ito ng LLI Bus (ARA 9780) na minamaneho ni Jolan Capule, 34, ng Brgy. San Diego, San Pablo City na papunta naman sa Alaminos, Laguna.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan ang dalawang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Sa Brgy. Balangibang, Polangui, Albay ay namatay naman ang driver ng tricycle na si Ricardo Erguesa, 57, ng Brgy. Magurang at namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga pasaherong sina Victoria Bermido, 83; at Lorna Bermido Sanares, 54. Habang malubhang nasu­gatan si Venice Joy Bermido De Castro, 8 matapos na salpukin sila sa likuran nang sumusunod na Toyota Innova (XSJ-626) na minamaneho ni Nemesio Millena, 58, re­sidente ng  Brgy. Gabawan, Daraga sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa nasabing lugar kamakalawa alas-5:40 ng hapon.

Sa lakas nang pagkakabangga ay sumalpok pa ang tricycle sa mala­king puno ng acacia sa gilid ng kalsada dahilan para mabasag ang ulo ni Erguesa.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with