^

Police Metro

‘Groupfie’ nasapol ng kidlat, 1 todas

Rhoderick Beñez - Pang-masa
�Groupfie� nasapol ng kidlat, 1 todas
Sa ulat, pasado alas-2:00 ng hapon ay abala sa pagkuha ng litrato na grupo ang mga biktima nang biglang kumidlat na tumama sa buhanginan malapit sa kinatatayuan ng mga biktima sanhi para sila ay bumagsak.
File

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi habang ang apat nitong kasama ang malubhang nasugatan matapos na tamaan sila ng kidlat habang nagu-”groupfie” picture sa isang isla sa bayan ng General Luna, Siargao Island, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi ay naki­lalang si Lee Christian Ra­gosta Zamora, 30, ma­nager ng isang insu­rance company, nakatira sa Taloto, Tagbilaran, Bohol.

Habang nasugatan ang mga kasamahan nitong sina Elain Jhane Ragosta Zamora, 19; Princes Figuracion Jayme, 23, taga-Banilad, Cebu; Zuzanne Sagamol, 27, ng Barangay Sun Valley, Parañaque City; at Grace Rodriguez Tolibas, 28, taga-Barangay 5, General Luna ng nasabing isla.

Sa ulat, pasado alas-2:00 ng hapon ay abala sa pagkuha ng litrato na grupo ang mga biktima nang biglang kumidlat na  tumama sa buhanginan malapit sa kinatatayuan ng mga biktima sanhi para sila ay bumagsak.

Dinala ng mga pumpboat operators sa Siargao District Hospital sa ba­yan ng Dapa ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Lee.

vuukle comment

KIDLAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with