^

Police Metro

Nakipag-date sa textmate, GRO ni-rape/slay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng 32-anyos na Guest Relation Officer (GRO) ang natagpuang lulutang-lutang sa isang ilog na pinaniniwalaang hinalay muna bago pinatay ng sinasabing ka-text nito naganap sa Brgy. Tagac, Mangatarem, Pangasinan nitong Biyernes.

Ang nasawi ay si Annalyn Canonisado, 32-anyos, GRO, isang single parent at residente ng Brgy. Poblacion, Porac, Pampanga, at nagtratrabaho bilang GRO sa Althea 1 Canteen and Videoke Bar na matatagpuan sa Brgy. Sinulatan 2.

Sa ulat ng Pangasinan Police, dakong alas-11:10 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakalutang sa ilog ng nasabing lugar.

Sa salaysay ng 50-an­yos na ina ng biktima na si Elvie Canonisado, nagpaalam ang kanyang anak na makikipag-date sa kanyang 23-anyos na textmate na si Florante Fortin Jr.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nakipagkita ang biktima kay Fortin kung saan kasama rin umano sa kanilang tipanan ang isang Rolando Moreno, na pawang taga-Brgy. Tococ, Barikir, Mangatarem, Pangasinan.

Gayunman nabigo nang makauwi sa kanilang ta­hanan ang biktima hanggang sa madiskubre ang bangkay nito na lulutang-lutang sa ilog.

Pinaniniwalaan namang hinalay ang biktima ng dalawang salarin bago ito pinatay at itinapon sa ilog bagaman isinasailalim pa sa post mortem ­examination ang bangkay ng GRO upang mapatunayan ito.

vuukle comment

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with