^

Police Metro

Ginang pinatay sa MRT station

Mer Layson - Pang-masa
Ginang pinatay sa MRT station
Binigyan ng first aid ng mga rescue team ang hindi pa kilalang ginang na sinaksak sa hagdan ng MRT Boni Station ng isang lalaki na kanyang nakatalo.
DOTr Photo

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang ginang matapos na siya ay saksakin ng isang binata na kanyang nakaalitan sa hagdan ng MRT Boni Station sa Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Naaresto ang suspek sa isang follow-up ­operation na nakilalang si Raymart Gabane,19, tubong Catbalogan, Samar matapos makita ang kuha sa CCTV sa ginawang pa­nanaksak sa ginang.

Batay sa ulat, dakong alas-2:27 ng hapon ay nagpapatrulya ang sekyu ng MRT na si Roniel Bionado nang mapuna ang nakahandusay na biktima na duguan at walang malay kaya’t agad humingi ng tulong para madala sa ospital na kung saan ay idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng saksak sa dibdib na tumagos sa puso.

Sa kuha ng CCTV, ay nakita ang ginang na nakatayo at umiinom ng juice nang dumating ang suspek na kung saan ay nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa ibinato ng una ang hawak na juice sa suspek na gumanti ng saksak at agad na tumakas.

Ilang sandali ay bumagsak ang biktima na siya namang pagdating ng sekyu at tinulungan.

Sa follow-up operation ay naaresto ang suspek dakong alas-10:45 ng umaga kahapon sa Mega footbridge sa Edsa, Mandaluyong.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ginang dahil sa walang nakuha na anumang ID sa pitaka at bag nito maliban lang sa isang application form na nakasulat ang pangalan ng babae at pangalan ng nanay ng aplikante.Tinawagan na ng pulsya ang ina para iberipika kung anak nito ang biktima.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with