^

Police Metro

Pastor arestado sa shabu

Mer Layson - Pang-masa
Pastor arestado sa shabu
Himas-rehas na nga­yong ang pastor ng Peoples Network for Peace Committed Humble Servant na si Jimmy dela Torre, 49, may asawa, at nakatira sa Blk.1 Lot 13 Accesoria Homes, Brgy. San Juan, Cainta Rizal.
File

MANILA, Philippines — Isang alagad ng isang religious group na nagkukunwaring maka-Diyos na isa naman palang kampon ng kadiliman ang nasakote ng mga otoridad at nakumpiskahan ng nasa P45,000 halaga ng droga sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Cubao, lungsod ng Quezon.

Himas-rehas na nga­yong ang pastor ng Peoples Network for Peace Committed Humble Servant na si Jimmy dela Torre, 49, may asawa, at nakatira sa Blk.1 Lot 13 Accesoria Homes, Brgy. San Juan, Cainta Rizal.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang dakipin si Dela Torre sa Aurora Blvd, Brgy. E. Rodriguez, sa lungsod, matapos makabili sa kanya ng shabu ang pulis na tumayong buyer.

Bago ito, isang buwang minamanmanan ng mga otoridad ang suspek dahil na rin sa salaysay ng mga drug user at pusher na nahuhuli sa bahagi ng Aurora Blvd., na ang pastor ang siya umanong supplier nila ng droga.

Ayon kay Cubao Police Station Drug Enforcement Unit Chief Police Capt. Ramon Acquiatan, noong una ay duda pa sila sa pagkakasangkot ng pastor sa kalakalan ng bawal na gamot ngunit noong magpositibo ito sa isinagawang operasyon ay doon na isinagawa ang pag-aresto.

Sa himpilan ng pusliya ay inamin ng suspek na noong una ay gumagamit lamang sila ng droga dahil umano sa implu­wensiya ng mga kaibigan pero napilitan lamang umanong magbenta dahil kinapos at nagipit siya.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

IILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with