^

Police Metro

Kaso ng mga nagwaging ‘Narco-Pols’ tuloy-DILG

Joy Cantos - Pang-masa
Kaso ng mga nagwaging �Narco-Pols� tuloy-DILG
Ayon kay DILG Se­c­retary Eduardo Año, ba­ga­man nirerespeto ng pa­mahalaan ang kagustuhan ng mga botante ay itutuloy nila ang mga kasong administratibo na isinampa laban sa mga narco-politicians.
File

MANILA, Philippines — Hindi umano iaatras ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tinaguriang narco-politicians na nagwagi nitong nakalipas na May 13 midterm elections.

Ayon kay DILG Se­c­retary Eduardo Año, ba­ga­man nirerespeto ng pa­mahalaan ang kagustuhan ng mga botante ay itutuloy nila ang mga kasong administratibo na isinampa laban sa mga narco-politicians.

Bagama’t ang ilan sa mga narco politician ay nagwagi sa halalan, tagumpay na rin para sa pamahalaan at sa bansa na ang iba sa kanila ay nabigo at hindi pinili ng mga botante.

Noong Marso, nag­sampa ang DILG ng kasong administratibo tulad ng grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, conduct unbeco­ming of a public officer, at gross neglect of duty sa Ombudsman laban sa 46 narco-politicians na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo  Duterte.

Tatlumputpito rito ang tumakbo, subalit 26 lang sa kanila ang nagwagi sa halalan at 26 sa kanila ang nagwagi sa kabila ng nasabing inilabas na listahan dalawang buwan bago ang halalan.

Sa nasabing mga nagwaging narco-pols ang dalawang congressmen, isang vice-governor, 18 mayors, tatlong vice-mayors, isang councilor at isang board member mula sa Calabarzon, BARMM, Eastern Visayas, Ilocos Region, Northern Mindanao, Western Visayas, Central Luzon, Zamboanga Pe­ninsula, SOCCKSARGEN, at Caraga.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with