^

Police Metro

Parak inutas ng mga rebeldeng NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis ang pinagbabaril nang malapitan ng mga nagpakilalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) naganap kamakalawa ng gabi sa District Papaya, Brgy. Tagkatong, Carmen, Agusan del Norte.

Kinilala ni CARAGA Police Director Police Brig. Gen. Gilbert Cruz ang biktima na si Police Executive Master Sergeant (SPO4) Jimmer Fostanes Omisol, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Carmen Municipal Police Station (MPS).

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaslang sa bandang alas-6:30 ng gabi ay nagtungo sa lugar ang biktima upang bumisita sa kaniyang mga kaibigan nang bigla itong harangin ng mga suspek saka pu­wersahang hilahin palabas ng kaniyang sasakyan.

Kinaladkad ng mga rebelde may sampung metro mula sa behikulo nito na kapaparada lamang sa lugar saka binistay ng bala habang tatlo naman sa mga kasamahan ng mga ito ay nagsilbing lookout at naghihintay sa waiting shed.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with