^

Police Metro

Magkapatid na paslit, patay sa taga ni nanay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang magkapatid na paslit na katutubong Mangyan ng kanilang sariling ina na pinaniniwalaang dumaranas ng diperensya sa pag-iisip sa Sitio Landing, Brgy. Pinagturiangan, Sta. Cruz, Occidental Min­doro nitong Biyernes.

Sanhi ng mga tinamong malalalim na taga sa katawan, dead-on-the-spot ang magkapatid na sina Rafin Juliata Cabudyok, 8-anyos at Butuan Juliata Cabudyok, 1 taong gulang.

Nahaharap naman sa kasong double counts of parricide ang suspek na si Dida Juliata Cabudyok, 30-anyos. Ang mag-iina ay pawang kasapi ng  Ala-ngan, mula sa tribo ng mga katutubong Mangyan.

Sa ulat ng pulisya, na­itala ang krimen sa Sitio Landing, Brgy. Pinagtu­riangan, Sta Cruz ng lalawigang ito pasado alas-7:00 ng umaga.

Ayon sa imbestigas­yon, sa ‘di pa mabatid na dahilan ay bigla na lamang pinagtataga ng ina ang dalawa nitong paslit na anak gamit ang isang bagong hasang itak.

Sa pahayag ng mga kamag-anak, posible uma­nong nagka-diperensya sa pag-iisip ang ina ng mga bata kaya nagawa nitong paslangin ang mga anak.

Kasalukuyan na nga­yong nasa kustodya ng Sta Cruz Police ang ginang na kalaboso na sa kinakaharap nitong kasong 2 counts of parricide na inihain sa Provincial Prosecutors Office sa Mamburao Occidental Mindoro.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with