^

Police Metro

3 holdaper bulagta sa checkpoint

Joy Cantos - Pang-masa
3 holdaper bulagta sa checkpoint
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:50 ng mada-ling araw nang mangyari ang bakbakan sa kahabaan ng JP Laurel highway sa Brgy. Luta Sur, Malvar.
File

MANILA, Philippines — Bulagta ang tatlong sinasabing miyem­bro ng isang robbery/holdup group habang nakatakas naman ang isang ka­samahan ng mga ito matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa isang checkpoint sa bayan ng Malvar, Batangas, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:50 ng mada-ling araw nang mangyari ang bakbakan sa kahabaan ng JP Laurel highway sa Brgy. Luta Sur, Malvar.

Bago ito, nabatid na hinoldap ng apat na suspek na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo ang isang kilalang gas station sa Brgy. Bugtong, Lipa City.

Matapos ang pangho-holdap sa gasolinahan ay tumakas ang mga suspek patungo sa JP Laurel higway sa bayan ng Malvar kung saan ay hinahabol na ang mga ito ng mga tauhan ng Lipa City Police at Malvar Police.

Dito ay isang checkpoint ang nakalatag sa JP Laurel highway kung saan imbes na tumigil ang mga suspek ay pinaputukan ng mga ito ang mga pulis na agad naman gumanti na nauwi sa shootout dahilan upang mapuruhan at tumimbuwang ang tatlo na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan habang nakatakas naman ang isang kasamahan.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang Colt MK IV cal. 45 pistol, dalawang Remington cal. 45 pistol, isang kulay dilaw na Yamaha Mio at isang kulay itim na Honda TMX.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga pulis sa nakatakas na kasamahan ng tatlo.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with