^

Police Metro

300 miyembro ng Seventh Day, nalason

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalason ang nasa 300 miyembro ng Seventh Day Adventist na karamihan ay mga kabataan sa inihandang pagkain sa youth convention sa lalawigan ng Bukidnon.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Northern Mindanao, ang mga biktima ay bigla na lamang dumanas ng matinding sakit ng ulo, pagsusuka, pagkahilo, gininaw at gayundin ng diarrhea matapos na kumain ng inihandang pagkain sa youth convention sa Brgy. Impalutaw, kung saan sinimulang isugod sa pagamutan ang mga biktima nitong Mayo 15 ng gabi hanggang kamakalawa.

Sa 169 na pasyente, napa­labas na ang 45 habang naka-confine at under observation pa ang 114 sa mga ito.

Inaalam pa ang sanhi ng food poisoning ng mga biktima  habang nag-inspeksyon na rin ang mga kinatawan ng Department of Health sa lugar.

vuukle comment

FOOD POISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with