^

Police Metro

89 drivers positibo sa droga-PDEA

Joy Cantos - Pang-masa
89 drivers positibo sa droga-PDEA
Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino ang resulta ng drug test na kanilang inianunsyo kahapon ay mula sa isinagawang drug test sa kinuhang mga urine sample sa kabuuang 5,009 drivers sa mga pangunahaing container terminals sa bansa.
File

MANILA, Philippines — Nasa 89 drivers kabilang ang 49 container truck drivers ang nagpositibo sa paggamit ng droga sa isinagawang serye ng sorpresang drug test sa ilalim ng Oplan Harabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga pantalan sa bansa.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino ang resulta ng drug test na kanilang inianunsyo kahapon ay mula sa isinagawang drug test sa kinuhang mga urine sample sa kabuuang 5,009 drivers sa mga pangunahaing container terminals sa bansa.

Kabilang dito ang Manila International Container Port (MICP), North Harbor, Tondo, Manila at Port of Manila, South Harbor, Port Area, Manila.

Sa kabuuang 5,009 truck drivers at public transport wor­kers nationwide ay kabilang dito ang 584 van drivers, 1,507 tricycle drivers, 195 multi cab drivers, 261 taxi drivers, 616 jeepney drivers , 1,252 delivery truck drivers, 22 habal-habal drivers, 12 lokal na bus drivers, 111 mini bus drivers, 440 truck helpers, 1 truck employee, 1 janitor, 1 multi-cab operator, 5 konduktor, isang dispatcher at iba pa.

Sa kabuuang 1,693 truck workers na isinalang sa drug tests, 49 dito ay delivery truck drivers, siyam ang truck hel­pers at isang truck employee na pawang positibo sa paggamit ng shabu at marijuana.

Ang nasabing resulta ay sumasailalim pa sa ikalawang confirmatory test sa PDEA forensic laboratory.

Ang 11 tricycle drivers  mula sa 1,507 na sumailalim rin sa drug test ay positibo rin sa paggamit ng droga.

Inihayag ni Aquino na inimplementa ng ahensya ang Oplan Harabas sa pakikipagkoordinasyon sa iba pang mga ahensya ng gobyerno upang matuldukan ang problema sa illegal na droga sa bansa, mai-promote ang drug free sa iba’t-ibang mga opisina at maiwasan ang kapahamakan ng mga pasahero.

vuukle comment

DRUG TEST

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with