Intsik, 3 pa timbog sa P20 milyong shabu
MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang isang Chinese drug trafficker ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Capital Regional Office at nakumpiska ang nasa P20-M ng droga sa naganap drug bust operation sa Valenzuela City, kahapon.
Ang mga nasakote ay kinilalang sina Wu Lianlai, Florencio Serdon, Sunbenny Marquez Jr., at Christopher dela Cruz.
Sa ulat na tinanggap ni PDEA Director Undersecretary Aaron Aquino, bandang alas-12:30 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga anti-drug operatives laban sa mga suspect sa # 9 B, Cadena de Amor Street, Bahayang Pagasa, Brgy. Maysan ng lungsod at hindi na nakapalag ang mga suspect matapos na makorner.
Nakumpiska mula sa mga ito ang tatlong malalaking plastic bag na naglalaman ng crystalline substance o shabu na tumitimbang ng 3,000 gramo na nagkakahalaga ng P20,200,000.00 at P1,000 cash na ginamit na buy bust money.
- Latest