^

Police Metro

Abby Binay wagi, ama tinalo ng dating OIC

Lordeth Bonilla - Pang-masa
Abby Binay wagi, ama tinalo ng dating OIC
Nanalo din ang mister ni Abby na si Luis Campos sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito na naka­kuha ng 90,736 boto laban sa katunggali na si King Yabut-63,245.
File

MANILA, Philippines — Iprinoklama na kahapon si re-electionist Makati City Mayor Abby Binay na nakakuha ng botong 179,522 laban sa katunggaling kapatid na si dating Makati City Mayor Junjun Binay na nakakuha ng botong 98,653.

Nanalo din ang mister ni Abby na si Luis Campos sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito na naka­kuha ng 90,736 boto laban sa katunggali na si King Yabut-63,245.

Ang bise ni Abby na si Monique Lagdameo ay prinoklama ring bise alkalde na nakakuha ng botong 182,655 laban sa action star na si Monsour Del Rosario-105,153.

Kung nanalo si Abby ay natalo naman ang kanyang ama na si dating Vice President Jojo sa pagka-kongresista sa unang distrito ng lungsod sa nakuhang boto na 65,229 laban sa dating OIC ng Makati na si Kid Peña na nakakuha ng botong 71,035 at na­proklama na rin ito.

Sa Las Piñas City, alas-11: ng gabi nang iproklama sina Mayor Imelda Aguilar bilang mayoralty re-elec­tionist na nakakuha ng botong 170,972; gayundin ang anak nitong si April, na nanalo namang vice mayor sa nakuhang boto na 161,789 at ang anak ni Senadora Cynthia Villar na si Camille, na nanalo namang congresswoman.

Sa Muntinlupa City, alas-10:00 ng umaga nang iproklama si re-electionist Mayor Jaime Fresnedi; Congresswoman Ruffy Biazon, re-electionist at Temy Simundac sa pagka vice mayor.

Sa Taguig City, iprinoklama rin sina dating Senador at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, bilang nagwaging kongresista ng unang distrito, misis nitong si Mayor Lani, na nagwagi namang congresswoman sa ikalawang distrito at ang kapatid nitong si Lino, na siya namang nagwaging alkalde sa lungsod.

Sa Parañaque City, nangunguna naman ay ang “Team Olivarez” sa pamumuno ni Mayor Edwin­; ka­patid nitong si Congressman Eric, re-electionist; Vice Mayor Rico Golez, re-electionist at ang lahat ng mga kaalyado nitong konsehal, na anumang oras ay isasagawa na ang proklamasyon sa mga ito ng Comelec.

Sa Pasay City ay ang nanguna sa pagka-alkalde si Congresswoman Imelda “Emmie” Calixto-Rubiano, kapatid nitong si Mayor Antonio “Tony” Calixto­, bilang kongresista at Vice Mayor Boyet Del Rosa­rio­, re-electionist, na anumang oras ay isasagawa na ang proklamasyon sa mga ito.

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with