Mayoralty bet tiklo sa armas at bala
MANILA, Philippines — Dinakip ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tumatakbong alkalde ng Rosario, Agusan del Sur na si Jupiter Abulog matapos mahulihan ng mga armas at bala nang salakayin ang kanyang bahay kahapon ng alas-9:30 ng umaga sa Brgy. Sta. Cruz.
Ang raid ay isinagawa alinsunod sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms kaugnay ng gaganaping midterm polls bukas.
Si Abulog ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive judge Lou Nueva ng Regional Trial Court (RTC) 10th Judicial Region, Branch 7 ng Bayugan City.
Nakumpiska sa pag-iingat ni Abulog ang isang unit ng cal 45 pistol, isang cal 45 Ruger pistol, isang cal 40 ARMSCOR, isang unit ng cal 45 Norinco pistol, isang M16 rifle, 28 bala ng cal 5.56, 14 piraso ng cal 40, 103 piraso ng bala ng cal. 45 pistol, 13 magazine ng cal 45 pistol, 2 units ng Medallion pistol, isang unit ng cal 45 Ultra , 109 piraso ng bala ng cal 45 at isang cal . 45 magazine.
- Latest