ACT-CIS partylist una sa survey
MANILA, Philippines — Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station(SWS) ay nangunguna na ang ACT-CIS partylist ng Tulfo brothers.
Sa survey na isinagawa noong April 28 hanggang May 3 ng SWS, number 1 na ang ACT-CIS partylist sa 134 na iba pang partylist.
Ayon sa Final Pre-election survey ng naturang survey group, pinili ng mas maraming respondents ang ACT-CIS kaysa sa ibang partylist sa nakuhang 8.20 percent voter preference sa 2,400 katao na sinurvey sa nasabing panahon.
Sa pag-akyat ng ACT-CIS sa number one, laglag sa number two spot and dating nangunguna na Bayan Muna na nakakuha naman ng 5.83 points, pumangatlo ang Ako Bicol-5.47 points, pang-apat ang Senior Citizens-3.60 puntos.
Ang resulta ng iba pang partylist na nakakuha rin ng mataas na ratings ay ang CIBAC-3.08 points; Magsasaka-2.98 points; Ang Probinsiyano-2.98 points; TUCP 2.97; 1PACMAN-2.78 points; Gabriela-2.55 points a Probinsiyano Ako- 2.34 points.
- Latest