Joy B nakuha ang basbas ng INC
Nangunguna pa rin sa survey...
MANILA, Philippines — Nakuha ni Quezon City Vice mayor Joy Belmonte ang suporta ng Iglesia ni Cristo (INC) bilang mayor ng lungsod para sa darating na May 13 local elections.
“I was informed on Monday that INC will support me and majority of the candidates in my slate. This is very, very good news for us, and of course, for Quezon City because we are committed to our promise of giving selfless, top-notch service that will benefit the city’s residents,” ayon kay Belmonte.
“Kaya’t nagpapasalamat ako kay kapatid na Eduardo V. Manalo at sa buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa buong-pusong suporta nila sa atin. Isa po itong malaking karangalan sapagkat ang pangunahing templo at ang opisina ng INC ay nandito mismo sa Quezon City,” dagdag niya.
Malaki ang paniwala ni Belmonte na kaya siya ang sinuportahang kandidato ng INC kumpara sa kanyang mga katunggali ay dahil sa karamihan ng mga taga QC ay sumusuporta rin sa kanya.
Idinagdag pa ni Belmonte na ang endorsement sa kanya ay dahil na rin sa malinis niyang track record at mga matagumpay na programa sa panunungkulan niya bilang bise alkalde sa lungsod sa loob ng tatlong termino.
Sa latest survey ng RP-Mission Development Foundation Inc. (RPMDinc.) mula Mayo 4-8, ay lamang pa rin si Belmonte matapos makuha ang 65% sa mahigit 8,000 rehistradong botante na naging respondents ng nasabing survey. Pumapangalawa si Cong. Vincent Crisologo-30%, at ikatlo si Chuck Mathay,-3%.
- Latest