^

Police Metro

Konstruksiyon ng LRT pa-Cavite, sinimulan na

Mer Layson - Philstar.com
Konstruksiyon ng LRT pa-Cavite, sinimulan na
Ayon sa DOTr, sa sandaling maging fully operational ang extended rail line sa taong 2023, ay magiging 25 minuto na lamang ang travel time mula Bacoor City, Cavite hanggang Bacla­ran, mula sa dating 1-oras at 10-minuto.
File

MANILA, Philippines — Kahapon ay sinimulan na ang konstruksiyon sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na patungo ng Cavite na dinaluhan ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa pagsisimula ng full-blast construction ng proyekto sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.        

Layunin ng 11.7-kilometer railway extension project na maidugtong ang lalawigan ng Cavite sa Metro Manila, sa pamamagitan ng isang railway network.

Ang dating 20 istasyong LRT-1 ay daragdagan ng walo pang istasyon, kabilang dito ang Redemptorist, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Piñas, Zapote at Niog.

Target ng DOTr, na maging operational ang unang limang istasyon nito o mula Redemptorist hanggang Dr. Santos, sa huling bahagi ng taong 2021.

Ayon sa DOTr, sa sandaling maging fully operational ang extended rail line sa taong 2023, ay magiging 25 minuto na lamang ang travel time mula Bacoor City, Cavite hanggang Bacla­ran, mula sa dating 1-oras at 10-minuto.

Ang LRT-1 Cavite extention ay proyekto pa ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ngayon ay House Speaker pero noong matapos ang term nito ay hindi itinuloy ng Aquino admi­nistration na isinakatuparan naman ng Duterte administration.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with