^

Police Metro

Cayetanos tiyak na ang panalo sa Taguig City

Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos lumabas ang panibagong survey ng Pulse Asia para sa mga kandidato sa Taguig City ay siguradong patungo na ng landslide victory ang mga Cayetano dahil sa malaki ang lamang na boto nina Lino, Lani, at Alan Peter kontra sa mga kalabang kandidato.

Sa survey ng Pulse Asia na inilabas ilang araw bago ang halalan, 64 percent ng mga Taguigeño ang nais na maluklok si dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa 1st District ng Taguig-Pateros, kumpara sa 36 percent na nakuha ng kalabang si Allan Cerafica.

Sa 2nd District, ang nakaupong mayor ng Taguig City na si Lani Cayetano ay nanguna sa kanyang 76 percent kontra sa kalabang si dating konsehal Che Che Gonzales na may 21 percent.

Samantala, si dating Taguig Congressman Lino Cayetano na tumatakbong alkalde ng lungsod ay lumabas na napakalayo ang lamang sa nakuhang 65 boto sa kalaban nitong si Taguig-Pateros 1st District Congressman Arnel Cerafica na 33 percent.

Si Taguig City Vice Mayor Ricardo “Ading” Cruz Jr., na lumalaban para sa kanyang huling termino bilang vice ma­yor, pati na rin ang buong miyembro ng Team Lino Cayetano councilors sa District 1 at 2 ay inaasahan din na makakahakot ng malaking lamang kontra sa mga kalaban, ayon sa bagong Pulse Asia survey.

vuukle comment

PULSE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with