10 inaresto sa vote buying sa Cavite
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 10 katao sa vote buying sa Brgy Zapote 5, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga naarestong sina Teresita Marjes; Irene Morales; Elsi Alano; Jayson Alba; Rex del Rosario; Jose de Leon Dizon; Gregorio Tamio; Michael Omedes; Joselino Villa; at Jowel Sale.
Sa imbestigasyon dakong alas-6:00 ng gabi noong Sabado nang isagawa ang operasyon matapos rumesponde ang mga otoridad sa tawag ng isang concerned citizen na mayroong vote buying sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa paglabag sa Omnibus election code BP 881 Section 261.
Narekober sa naturang operasyon ang bundle ng maliliit na brown envelop na nagkakahalaga ng P200,00 at may kabuuang P75,800, P83,500 na cash, plastic bag na naglalaman ng red wristbands na may marking FIX.
Gayundin ang dalawang piraso ng puting t-shirt na may nakasulat na pangalan ng kandidato at pulang notebook na may listahan ng mga pangalan ng tao.
- Latest