^

Police Metro

Murang Kuryente partylist nanawagan ng transparency sa NGCP

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang Murang Kuryente (MK) partylist sa National Grid Corporation of the Philippines’ (NGCP) ng “transparency” sa kabiguan nitong ituloy ang initial public offering (IPO) na dapat nangyari sa unang bahagi ng taon.

Ayon kay MKP nominee at matagal nang energy advocate na si Gerry Arances, kaduda-duda ang sinseridad ng NGCP upang maging transparent  at matupad ang tungkulin nito, lalo’t hindi pa nareresolba ang artipisyal na power crisis sa Luzon.

“Sampung taon na simula nung nag-umpisa ang kontrata nila, hindi pa rin sila nakapaghanda para sa IPO. Parang ayaw nilang buksan ang kanilang mga rekord sa publiko,” diin ni Arances.

Nakasaad sa kontrata ng NGCP sa gobyerno ng Pilipinas na kailangang pumasok sa IPO ang kompanya sa loob ng 10 taon sa pagbubukas nito noong Enero 15, 2009.

Ngunit sa halip mag-alok ng IPO ay humingi ng palugit ang NGCP ng ekstensiyon sa Energy Regulatory Commission noong nakaraang Abril 9, 2019.

Sa ilalim ng kanilang kontrata noong 2009, mandato ng NGCP sa pamamagitan ng IPO na magbenta ng 20 porsiyentong sapi o shares sa publiko.

Ang NGCP ay pribadong kompanya na nakakuha ng 25-taong kontrata sa gobyerno para i-operate ang power transmission network sa bansa.

vuukle comment

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with