^

Police Metro

4 obrero na gumagawa ng balon, nalunod

Joy Cantos - Pang-masa
4 obrero na gumagawa ng balon, nalunod
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Hermenio Bantang, nasa hustong gulang ng Numancia, Aklan; Darwin Cuesta, 56; Rene Felizardo, 42 at Jodel Felizardo, 47.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang apat na obrero makaraang aksi­denteng malunod sa ma­lalim na hukay sa balon­ na kinakabitan ng submersible water pump sa naganap na trahedya sa Sitio Ilaya, Brgy. Lawaan, New Washington, Aklan, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Hermenio Bantang, nasa hustong gulang ng Numancia, Aklan; Darwin Cuesta, 56; Rene Felizardo, 42 at Jodel Felizardo, 47.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang insi­dente sa nabanggit na lugar bandang alas-11:00 ng umaga ay nasa pro­seso nang pagkakabit ng submersible water pump upang umangat ang tubig sa nasabing balon ay lumusong sa ibaba ang mga biktima na nabigo nang makaahon sa lalim na nasa 35 talampakan­  at 35 diyametro naman ang lapad.

Agad namang nagsa­gawa ng retrieval operation ang mga elemento ng PNP, Bureau of Fire Protection at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para maiahon sa balon ang bangkay ng mga biktima.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with