^

Police Metro

16 nasawi, 14 missing sa lindol

Joy Cantos, Mer Layson, Rudy Andal - Pang-masa
16 nasawi, 14 missing sa lindol
Sa kabuuang 16 nasawi, lima rito ay mula sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, pito mula sa iba pang mga barangay sa nasabing bayan, dalawa sa Lubao, isa sa Angeles City at isa sa San Marcelino, Zambales na si Waren Serano, 6-anyos na nabagsakan ng malaking tipak na bato.
Noel Celis/AFP

MANILA, Philippines — Inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad nasa 16 na ang naitalang patay sa mga lugar na grabeng nasapul ng lindol na karamihan ay sa lalawigan ng Pampanga habang 14 pa ang nawawala sa pagtama ng magnitude 6.1 lindol sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa kabuuang 16 nasawi, lima rito ay mula sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, pito mula sa iba pang mga barangay sa nasabing bayan, dalawa sa Lubao, isa  sa Angeles City at isa sa San Marcelino, Zambales na si Waren Serano, 6-anyos na nabagsakan ng malaking tipak na bato.

Umanbot naman sa 29 istraktura at gusali ang nagtamo ng pinsala bunga ng pagyanig ng lindol.

Sa pahayag ng Human Resource  Office ng Chuzon Supermarket ay 92 empleyado nila ang  nasa loob pero may mga nakalabas  at ang ikatlo saka ikaapat na palapag ay tirahan ng mga empleyado, storage room ang ikalawang palapag habang supermarket naman ang ground floor.

Kaugnay nito, nagtaas na sa blue alert status  ng NDRRMC  at nag-isyu ng memorandum na inaatasan ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magtaas ng alerto at imonitor ang mga kaganapan sa kanilang lugar na naapektuhan  ng lindol.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with