Lenten season crime rate mababa-PNP
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde na naging mapayapa sa pangkalahatan ang Semana Santa bunga ng pinaigting na seguridad ng kapulisan at iba pang mga law enforcement agencies kaya’t mababa lamang ang naitalang insidente ng kriminalidad na hindi nangangailangan ng ‘national emergency’.
“ As I have said wala tayong major incidents na na-report, yung crimes committed were petty crimes like yung salisi,yung sa mga beach, yung mga nanakawan the usual, iniwan unattended yung gamit nasalisihan nakuhanan ng mga personal belongings,” ani Albayalde. Pinapurihan ni Albayalde ang mga PNP Comman-ders at personnels na nagpatupad ng mahigpit na seguridad para sa mapayapang Holy Week.
- Latest