^

Police Metro

Taxi driver timbog sa pagholdap sa OFW

Danilo Garcia, Butch Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga otoridad ang taxi driver na si Orestes Quizon, 48, may-asawa ng Las Piñas City matapos ireklamo nang pagnanakaw ng kanyang pasahero na si Karen Mitschel na isang OFW.

Nabatid na sapilitang kinuha ng suspek ang salapi at cellphone ni Mitschel, na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) galing Hong Kong noong Abril 17.

Sa reklamo ni Mits­chel, dumating sila sa airport at pumila sa NAIA Terminal 2, secondary arrival curbside para  sumakay ng taxi at nagpahatid sila kay Orestes sa may Five Star bust station sa may EDSA pero siningil agad sila ng P2,400 nito.

Dahil sa walang sapat na cash ay nagpababa sa isang money changer ang kasama ni Mitschel para magpapalit ng pera pero agad itinakbo ng suspek ang taxi sakay ang biktima.

“Tinakot ako at pilit na kinuha ang aking cellphones at pera at ibinaba ako sa kahabaan ng C-5 Extension malapit sa Gatchalian Village sa Las Piñas City”, wika ni Mitschel.

Agad na nagsampa ng reklamo sa pulisya at nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at nadakip ang suspek.

Dati nang naaresto ang suspek sa overcharging.

vuukle comment

TAXI DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with