^

Police Metro

32 tigok sa pagkalunod

Joy Cantos - Pang-masa
32 tigok sa pagkalunod
Sa kabila ng pagbabawal ng mga otoridad ang pagligo sa Manila Bay, dahil sa tindi ng init ng panahon ay hindi napigilan ang mga residente sa Baseco sa Tondo, Maynila ang magtampisaw at mag-swimming sa naturang look nitong nagdaang Sabado de Gloria.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Umabot sa 32 katao ang naitalang nasawi dahil sa pagkalunod sa loob lamang ng dalawang linggo sa panahon ng bakasyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.

Dahil dito, muli namang pinaalalahanan ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac ang publiko na isagawa ang kaukulang pag-iingat sa paglangoy sa swimming pool, dagat, ilog at maging sa mga talon.

Ayon kay Banac, mula Abril 5 hanggang Abril 19 ng taong ito ay nasa 32 katao na ang nalunod kabilang ang ilang mga bata at ang dalawang kaso ng pagkalunod sa Calapan City at Pinamalayan; pawang sa lalawigan ng Oriental Mindoro na naitala nitong Biyernes Santo.

“We encourage the public to be careful while on beach and swimming pool. If you plan to swim on a beach, you have to make sure that you are in the company of people who know how to swim,” pahayag ni Banac.

Pinaalalahanan din ni Banac ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak habang nagsu-swimming.

vuukle comment

NALUNOD

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with