P2-M droga nasamsam sa NAIA
MANILA, Philippines — Umaabot sa P2 milyon halaga ng iba’t ibang klase ng mga illegal drugs ang nakumpiska ng NAIA customs sa magkakahiwalay na mga pakete sa isang bodega ilang metro ang layo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Unang nasamsam ang envelop mula Bahrain na naglalaman ng 0.27 kilo gramo na shabu na nakapangalan sa isang Abraham Salas Jr., ng Bulacan.
Nakumpiska rin ang may .54 kg na ecstacy na nagkakahalaga naman ng P1.7 milyon na nakalagay sa isang printer machine at nakapangalan sa isang alyas Christian Chan, ng San Juan Metro Manila.
May dalawang shipment naman na marijuana na may tatak na ‘hemp gummy’ candies dried leaves ay idineklarang pancake mix at lotion na galing ng America na nakapangalan sa isang Steven Marple ng Antique at Betty Lu, ng Cagayan de Oro City.
Ang 0.135 kilo grams naman na cocaine ay nahuli rin na idineklara naman laruan galing US, na nakapangalan sa isang alyas Jose Maristela ng Makati City.
Ang mga naturang ilegal na droga ay nasabat ng mga tauhan matapos itong pagdudahan ang mga shipments.
- Latest