^

Police Metro

Komunistang grupo pinondohan ng senatoriables

Pang-masa

MANILA, Philippines — Siyam na traditional politician (trapo) ang inendorso ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army-Communist Terrorist Group (CPP-NDF-NPA-CTG) front Makabayan kapalit ng mil­yong pondo.

Ito ang isiniwalat ni Ka Nonoy, political officer ng Makabayan-CTG at National Democratic Front (NDF).

Aniya, nagbigay umano ng tig-P10M-P20M ang ‘di pinangalanang reelectionist senators.

Ani Ka Nonoy, malinaw aniya na pera-pera na lang ang kilusan, lalo at nagkakahigpitan na ang pagsingil ng permit to campaign sa kanayunan.

Naging alternative venue na rin ang legal front Electoral Unit para magpasok ng milyong pondo sa Kilusan.

Ganito na umano kadesperado ang CPP-NDF-NPA-CTG at lahat ay gagawin sukdulang makipag-alyansa sa mga trapo kapalit ang kapangyarihan.

Panawagan ni Ka Nonoy sa mga botante na maging matalino sa pagboto dahil ang ginawa ng nasabing mga senatoriable ay pagtataksil sa bayan.

Matatandaang idineklarang terorista ang CPP-NDF-NPA-CTG dahil bukod sa paghahasik nito ng lagim ay hangarin nito na pabagsakin ang gobyerno at patayin ang kalayaan ng mga Pilipino, patayin ang demokrasya at patayin ang kinabukasan ng ating mga anak.

vuukle comment

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with