^

Police Metro

Departamento na tututok lang sa OFWs, agad sertipikahan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinikayat kahapon ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos si Pangulong ­Rodrigo Duterte na sertipikahan ang pagbuo ng isang departamento na tututok para maibigay ang mga pangangailangan ng mahigit 2.3 milyong overseas Filipino workers, lalo’t isa ito sa  mga  ipinangako ng pangulo noong panahong ito’y nangangampanya pa  lamang.

“The President has to be supported by concerned Cabinet members in ­fleshing out the mandate of such proposed department which should include all services needed by overseas Filipinos,” ani Marcos.

Iginiit ni Marcos na tumatakbong senador nga­yon 2019 midterm elections na dapat itong gawin ng pangulo dahil napakaraming OFW ang nasasangkot sa kaguluhan at nagiging biktima ng mga pang aabuso sa kani-kanilang mga trabaho, gaya na lang ng kaso ni Joanna Demafelis kung saan ang katawan nito ay natagpuan sa loob ng freezer sa bahay ng kanyang employer sa Kuwait noong nakaraang taon.

Sa ngayon aniya, walang ahensiya ng gobyerno na tunay na  tumututok sa pagbibigay ng maayos na tulong sa  mga  OFW’s at pamilya nito. 

Hindi na umano dapat ipinagpapaliban pa ang pagbuo ng nasabing ahensiya ng gobyerno dahil sa  malaking pangangailangan ng mga  OFW na ma­bigyan ng proteksiyon at tulong. Nais din ni Marcos na  mabigyan ang mga  OFW’s ng savings and  loan association kagaya ng AFPSLAI Inc., para  mabigyan ng pinansiyal na  ayuda ang  mga  ito at ang kanilang mga pamil­ya sa panahon na  kaila­ngan na mangutang upang makapagnegosyo at hindi na umalis pa ng bansa.

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with