2 pusher nanlaban sa buy-bust, patay
MANILA, Philippines — Patay ang dalawang drug suspect na sina Freddie Hernandez, 36; at Noel Sugatan, 26, kapwa residente ng Brgy. Ligas, Bacoor City, Cavite matapos umanong manlaban sa isinasagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. Muzon 1, Rosario, Cavite.
Nabatid na nagkasa ng buy bust operation ang mga pulis laban sa dalawang suspek at nagpanggap na buyer ang isang pulis.
Nang aarestuhin na ang dalawang suspek ay tumakas ang umano ang mga ito at hinabol ng mga pulis, na kung saan bumunot ng baril at nauwi sa engkuwentro na naging dahilan ng kanilang kamatayan.
- Latest