^

Police Metro

P43 milyong cocaine nalambat sa dagat ng Catanduanes

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa halip na mga isda ang malambat ng tatlong mangingisda ay pitong bloke ng hinihinalang “cocaine” ang kanilang nakuha sa  karagatang sakop ng Brgy. Bugao, Bagamanoc, Catanduanes kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon habang nangingisda sina Marcel Benosa, 33; Danilo Villasana, 65; at Tirso Bandola, 47, kapwa residente ng nasabing barangay ay nakita nila ang palutang-lutang na itim na lambat.

Nang kinuha ay nakita nila  sa loob ng lambat ang pitong bloke na nababalot ng kulay brown na packing tape at may “dollar sign” ($).

Binuksan umano nila ang isa at nakita ang kulay puting pulbos kaya nagduda silang pareho ito ng unang mga nakuha ng mga mangingisda na bloke ng cocaine na palutang-lutang sa karagatan kaya iniuwi ng tatlo at itinurn-over kay Brgy. Kapitan Evan Evangelista na kasamang nagdala sa Bagamanoc Police na agad namang dinala sa Catanduanes Provincial Police Office.

Sa taya ng Catanduanes Police, posibleng umaabot sa market value na P43.175 milyong piso ang halaga ang nakuhang droga.

Ipinadala na kahapon ni Catanduanes Provincial Director Senior Supt. Paul Abay sa regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Legazpi City, Albay ang nasabing droga para sa confirmatory test.

vuukle comment

COCAINE

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with