^

Police Metro

Chop-chop lady isinilid sa maleta at washing machine

Joy Cantos - Pang-masa
Chop-chop lady isinilid sa maleta at washing machine
Ang biktima ay kinilalang si Lindsey Avelino, natagpuan ang pinagputol-putol na bahagi ng katawan sa loob ng washing machine at ang ibang bahagi ng katawan ay isinilid naman sa maleta at itinapon sa isang bakanteng lote na hindi kalayuan sa bahay dakong alas-7:00 ng gabi.
File

MANILA, Philippines — Brutal ang naging kamatayan ng isang 28-anyos na misis na matapos patayin ay tsinap-chop pa ang katawan nito ng kanyang lover naganap kamakalawa sa kanilang bahay sa Brgy. Amsic, Angeles City, Pampanga.

Ang biktima ay kinilalang si Lindsey Avelino, natagpuan ang pinagputol-putol na bahagi ng katawan sa loob ng washing machine at ang ibang bahagi ng katawan ay isinilid naman sa maleta at itinapon sa isang bakanteng lote na hindi kalayuan sa bahay dakong alas-7:00 ng gabi.

Napatay naman ng mga otoridad ang live in partner ng biktima na si Eduardo Pasion nang ito ay manlaban sa mga aarestong pulis sa kanya.

Hinala ng pulisya posibleng nangyari ang brutal na pagpatay sa biktima noong Lunes ng madaling araw.

Si Pasion 40, ay nagtatrabaho sa isang miniature airplane ma­nufacturing company at nangumpisal sa kaniyang employer hinggil sa ginawang krimen.

Agad namang inireport ng employer ni Pasion ang insidente sa pulisya na mabilis na nagresponde sa lugar pero sa halip na sumuko ang suspek ay nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout at napatay ito.

Lumilitaw naman na matinding selos ang motibo ng krimen dahilan naghihinala umano ang suspek na may ibang ka-relasyon ang live-in partner matapos itong manlamig na sa kanilang pagsasama.

Nabatid pa na minsan na ring ipinakulong ng biktima ang suspek dahilan sa pambubugbog nito sa kaniya pero sa bandang huli ay pinalaya matapos na patawarin ng una.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with