^

Police Metro

Bangka lumubog... trahedya ng pabasa: pamilya, 3 nalunod

Jorge Hallare - Pang-masa
Bangka lumubog... trahedya ng pabasa: pamilya, 3 nalunod

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagtungo ng tatlong miyembro ng pamilya sa isang Pabasa matapos ang sinasakyan nilang bangka ay lumubog sa dagat na sakop ng Brgy. Buenavista, Tinambac, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Natagpuang lumulutang sa gitna ng dagat habang sinisiklot ng alon ang mga biktimang sina Rolando Quinonez, 50; misis na si Belen; at anak nilang si Lovely Quinonez, 9, pawang residente ng Brgy. Salvacion.

Bago ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon ay nakita ang pamilya na sumakay ng kanilang bangka de-sagwan patungong Brgy. Buenavista para dumalo sa Pabasa (pa-pasyon) ng kamag anak.

Sa kalagitnaan ng dagat ay sinalubong ang mga ito nang naglalakihang alon dahilan para tumaob ang kanilang bangka at nalunod.

Rumesponde ang mga tauhan ng Emergency Ma­nagement Team ng munisipyo, pero inabot ng ilang oras bago natagpuan ang tatlo na kapwa mga patay at nakalutang sa dagat katabi` ang tumaob nilang barko.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with