^

Police Metro

P1.8-B shabu sa tea bags nasabat

Ludy Bermudo - Pang-masa
P1.8-B shabu sa tea bags nasabat
Hinihinalang may kaugnayan ang nasabat na kontrabando sa mga nakumpiskang shabu kamakailan sa Muntinlupa City dahil nakasilid din ang mga ito sa chinese tea bags na naglalaman ang bawat isa ng tig-iisang kilo.
File

MANILA, Philippines — Tumataginting na P1.8-bilyong halaga ng shabu na may katumbas na humigit-kumulang sa 166 kilo na galing sa bansang Vietnam ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila International, kamakalawa ng gabi.

Hinihinalang may kaugnayan ang nasabat na kontrabando sa mga nakumpiskang shabu kamakailan sa Muntinlupa City dahil nakasilid din ang mga ito sa chinese tea bags na naglalaman ang bawat isa ng tig-iisang kilo.

Naka-consign sa Wealth Lotus Empire Corporation at nagmula ito sa Ho Chi Minh City sakay ng barkong Callo Bridge.

Ayon kay PDEA chief Director General Aaron Aquino, kaparehas ang pinaglagyan o Chinese tea wrapper ang nasamsam nilang ito sa nakumpiska ng Vietnamese authorities noong nakalipas na Marso 20, nang isagawa umano ang buy-bust operation sa Ho Chi Minh City.

Nakasamsam umano ang nasa 300 kilo ng shabu mula sa isang sindikato ng droga na pinatatakbo ng isang Chinese national na gumagamit naman ng front na textile company.

Dahil dito, agad umanong nakipag-ugna­yan sa PDEA ang Vietna­mese counterparts hinggil sa paparating na barko sa Pilipinas na kargado ng nasabing kontrabando. Mer Layson

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with