^

Police Metro

QC shootout: 4 kriminal todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ang apat na lalaki na umano ay pinaghihinalaang miyembro ng elementong kriminal nang  makipagbarilan umano sa mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na shootout sa Quezon City kamakalawa ng gabi at kahapon ng  madaling araw.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat na suspek na umano ay mga miyembro ng Ak-yat bahay gang at holdaper.

Naganap ang unang engkuwentro dakong alas-10:45 ng gabi sa pa­gitan ng dalawang lalaki na sakay ng motors­iklo   sa kahabaan ng General Luis Street, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Nabatid na puwersa-hang tinangay ng dalawang suspek ang motorsiklo ni Ivan Jan Liberato, dakong alas-4:00 ng hapon habang siya ay nasa isang gasolinahan.

Nakunan sa CCTV ang panghoholdap kaya’t  nagsagawa  ng follow-up operation ang mga elemento ng PS 4 at  naispatan ang mga suspek na nag-U-turn sa isang kalye matapos na makita ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita.

Hinabol ng pulisya kung saan bumunot ang mga suspek ng baril at pinaputukan ang mga ope­ratiba na nauwi sa shootout na ikinasawi ng mga ito.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente,  ang isang cal. 38 Smith and Wesson, isang cal 38 mula sa isa pang suspek  anim na sachet ng shabu, dalawang cellular phone at nabawi rin ang Yamaha Mio Sporty motorcycle na kulay itim (NA55266) ni  Liberato.

Ang ikalawang shootout ay naganap dakong alas-2:00 ng madaling araw nang makasagupa ng Batasan Police (PS) 6 ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng Akyat Bahay gang sa Brgy. Bagong Silangan  na pinagnakawan ang isang bahay na inireport ng security guard sa pulisya.

Naabutan ng mga pulis ang dalawang suspek na sa halip na sumuko ay pinaputukan nito ang nagrespondeng mga pulis na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng mga ito.

vuukle comment

QC SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with