^

Police Metro

Kahit tapos na ang Duterte administration... Malasakit Center tuloy pa rin - Bong Go

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy tuloy ang serbisyo ng mga Malasakit Center sa bansa kahit tapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.

Ito ang inihayag ni dating Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go, na siyang founder ng mga Malasakit Center na makikita sa iba’t ibang pampublikong pagamutan na madalas lapitan ngayon at hingan ng tulong ng mga may-sakit na mahihirap na Pilipino.

Sinabi ni Go, libre ang konsulta at libre rin ng gamot sa 24 Malasakit Center nationwide kaya wala nang dahilan at alinlangan ang mga may sakit upang hindi sila magtungo sa ospital para magpatingin ng kani-kanilang mga karamdaman.

Kung dati ay takot magpa-ospital ang mga pasyente dahil wala siyang pambayad, ngayon ay araw-araw na dinudumog ang mga ‘one stop shop’ na Malasakit Center sa bansa.

Sinabi ni Go, sa oras na siya ay palaring maging senador ay  babalangkas siya ng mga batas na magbibigay ng malaking pondo sa mga pampublikong pagamutan upang kahit tapos na ang termino ng Pangulong Digong ay tuloy-tuloy ang serbisyo ng mga itinayo niyang Malasakit Center. 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with