^

Police Metro

Imee Marcos hiniling sa gobyerno na bilisan ang konstruksyon ng Kaliwa at Laiban Dam

Pang-masa
Imee Marcos hiniling sa gobyerno na bilisan ang konstruksyon ng Kaliwa at Laiban Dam

MANILA, Philippines — Nanawagan sa pamahalaan si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na bilisan ang konstruksiyon ng water flagship projects kabilang ang Kaliwa at Laiban dams at panagutin din ang MWSS at dalawang concessio­naires sa nangyaring  water shortage sa Metro Manila at kalapit na lalawigan noong isang linggo.

“Mataas ang presyo ng tubig, pero maayos ba ang serbisyo? Kung hindi nila kaya, malamang may ibang magsisikap na mag serbisyo sa publiko ng tama.

Alalahanin dapat nila ang serbisyo, hindi lang puro kita,” wika ni Marcos na tumatakbong senador ngayong 2019 midterm elections.

Ayon pa kay Marcos na hindi sapat ang ibinibigay na serbisyo ng dalawang concessionaires na dapat ay mas maraming concessionaires ang papasukin at patatagin ang pamamahala ng gobyerno sa water resource management nang pagsusuplay at pagdedeliber sa nakararaming tao.

Pinunto rin ni Marcos na ang Kaliwa at Laiban dam projects ay sinimulan ng panahon ng kanyang yumaong ama na si dating  Pangulong Ferdinand Marcos na hindi naman itinuloy ng mga nakalipas na administrasyon.

“Ang tubig ay buhay-napakaraming mamamatay at magkakasakit pagmawala yan. Makakatiis ng mas matagal ang mga tao sa walang kuryente, pero kung walang tubig – sobrang pahirap yan sa kanila. Sa mga hospital na lang, at mga densely populated areas, maraming buhay ang malalagay sa panganib. Mara­ming tao ang ‘di kayang bumili ng mineral water para inumin o ipampaligo!,” wika ni Marcos.

vuukle comment

IMEE MARCOS

KALIWA DAM

LAIBAN DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with