^

Police Metro

Dalagita ni-rape ng 6 kainuman

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos na dalagita ang hinalay ng anim nitong kainuman kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

 

Tatlo sa anim na suspek ay naaresto na kinilalang sina Prince Jomari Diwa, 20; at kapatid nitong si Paul Cedrick Diwa, 18; at Angelito Gonzalez, 25, salesman, pawang residente ng Melcalde Street.

Pinaghahanap pa ang tatlong pang suspek na kinilala lang sa mga alyas na “Tado”;”Gerald”; at “Elmer”.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Jana, na nakipag-inuman siya sa mga suspek nang makaramdam siya ng pagkahilo hanggang sa mawalan ng malay tao na kung saan doon nangyari ang panghahalay.

Hinala ng pulisya na hinaluan ng pampatulog ang alak na ipinainom sa biktima bago isinagawa ang paghahalalay dakong alas-2:45 ng madaling araw. 

Ayon sa biktima na unang siyang inimbitahan ni Paul Cedrick sa bahay nito upang makipag-inuman na pinaunlakan naman niya. Pagdating sa loob ng bahay ay nadatnan niya roon ang lima pang suspek na nag-iinuman na. Tinagayan  siya ng mga suspek hanggang  sa nakaramdam ng pagkahilo at nawalan  na ng malay at doon na ginawa ang panghahalay.

Nang makauwi ng biktima ay agad namang nagsumbong sa kanyang mga magulang na nagsampa ng reklamo sa pulisya.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with