^

Police Metro

2 tatay na nakaaway ang mga misis, nagpakamatay

Raymund Catindig, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng hindi umano matanggap ng dalawang tatay ang naganap na pag-aaway sa kanilang mga misis kaya tinapos ng mga ito ang kanilang buhay sa magkahiwalay na insidente nang pagbibigti sa Valenzuela City at Tuguegarao City, Cagayan.

 

Sa Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City, kinilala ang nasawi na si Jesus Tubalinal, 36, wel­der, naganap alas-3:00 ng madaling araw.

Bago ito ay nagkaroon ng matinding away ang biktima at live-in na si Analyn Magayanes dahil sa inakushan ng una na ang huli ay may ibang lalaki.

Upang matigil ang away ay nagdesisyon si Magayanes na lumabas na lang ng bahay at iniwan ang dalawa niyang anak.

Ilang minuto ang  nakakalipas ay nakita ng dalawang bata na kumuha ng sinturon ang kanilang ama at tela na ginamit niya na pambigti sa sarili.

Nagbigti rin ang 38-anyos na mister habang naglalaro ang kanyang dalawang anak na paslit sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Toran, Aparri, Cagayan, kamakalawa ng alas-2:00 ng hapon.

Sa ulat, nagkaroon din nang matinding away sa hindi pa malamang dahilan ang biktimang si Edwin Martin at misis nito na isang OFW na hindi pina­ngalanan.

Umalis din ng bahay ang misis na sinamantala ng biktima at ginawa ang pagbibigti.

Nabatid sa mga kaanak na dalawang beses na nilang napigilan ang pagpapakamatay ng biktima at ang ikatlong pagtatangka ay natuluyan na ito.

vuukle comment

SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with