^

Police Metro

Pastor inutas sa prayer meeting

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Pastor ang pinagbabaril sa gitna ng prayer meeting sa loob ng kanilang simbahan sa General Santos City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang nasawing biktima  na si Francis Nadar, 40, isa ring negosyante at Pastor sa Four Square Church sa lugar at  residente ng Polomolok , South Cotabato.

Sa ulat ni Police Major Ananias Vasquez, hepe ng General Santos City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang mangyari ang krimen sa prayer meeting sa naturang simbahan sa Zone 2, Purok San Roque, Brgy. Labangal ng lungsod.

Nabatid na kasama ng biktima ang kaniyang misis sa nasabing prayer meeting nang biglang dumating ang riding in tandem na mga salarin sa bisinidad ng simbahan at pinagbabaril ang biktima ng cal. 45 pistol.

Sa pahayag ng mga testigo, isa sa mga suspect ay nakasuot ng kulay itim na jacket  at ball cup na pumasok sa simbahan saka pinagbabaril ang biktima habang nagsilbi namang lookout sa krimen ang kasama nito.

vuukle comment

CRIME

KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with