^

Police Metro

PDEA handa nang ilantad ang mga hukom at piskal na nasa drug list

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos na ilantad ang mga pulitikong sangkot sa illegal drugs ay mga hukom at piskal naman ang isusunod ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na papangalanan.

 

Sinabi ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino, inuumpisahan na nila ang narco list na ang laman ay mga  pangalan ng mga hukom at piskal sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nabatid na dismayado ang PDEA sa mga nababasurang  kaso na kanilang isinasampa sa prosecutor’s office at korte kahit malinaw naman at matitibay ang kanilang ebidensya na laging idinadaan sa technicalities kahit solido ang mga iprinipresentang mga ebidensiya sa piskalya at korte.

Naniniwala si Aquino na ginagawa lang ito ng istorya ng mga hukom at piskal  para makapaglagak ng piyansa at makalaya ang mga nadarakip nilang sangkot sa drug operation.

Malakas aniya ang loob ng mga dayuhang sangkot sa ilegal na droga na mag-operate sa bansa dahil sa ilang tiwaling hukom at piskal sa hanay ng hudikatura.

Iginiit ni Aquino na panahon na para ibalik ang parusang bitay sa bansa lalo na sa mga drug smuggler na siyang sumisira sa buhay at kinabukasan ng mga mamamayan.

vuukle comment

AARON AQUINO

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with