^

Police Metro

Joy Belmonte suportado ang mga kababaihan para kumita

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinuportahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte para kumita ang mga kababaihan ng lungsod gamit ang sarili nilang kakayahan sa ilalim ng Shared Service Facility (SSF) Project sa Brgy. Greater Lagro QC.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) at Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran (SPARK), nagkaroon ng equipment sharing facility ang mga kababaihang negosyante sa naturang barangay  para sa libreng training, product development, at iba pang technical assistance .

Ang programa ay tutulong sa mga kababaihan na makahanap ng paraan ng pagkukunan ng ikabubuhay para sa kanilang mga pamilya.

Ayon kay Belmonte, binigyang diin nito na handa siyang magkaloob ng lahat ng technical skills na kailangan ng mga kababaihan upang magkaroon ng pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.

Mahigit 20 unit ng mga makina sa pananahi ang ipagkakaloob sa women micro-entrepreneurs ng Brgy.Greater Lagro kabilang na ang edging machine, round cloth cutting machine, walking foot machine, embroidery sewing machine at iba pa kasama si Congressman Alfred Vargas na nanguna sa proyektong ito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with