^

Police Metro

Grand conspiracy para siraan si Duterte

Rudy Andal - Pang-masa
Grand conspiracy para siraan si Duterte
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na biglang naging international law expert ang mga kritiko ni Pangulong Duterte na iisa ang tono ng mga political opposition, makakaliwang grupo at human rights advocate.
King Rodriguez/Presidential Photo

MANILA, Philippines — Nang magdesisyon ang Pilipinas na kumalas sa Rome Statue na nagtatag ng International Criminal Court (ICC) ay ibinunyag ng Malacañang na mayroong grand conspiracy ang mga kalaban ng admi­nistrasyon para lalong siraan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na biglang naging international law expert ang mga kritiko ni Pangulong Duterte na iisa ang tono ng mga political opposition, makakaliwang grupo at human rights advocate.

Pawang nagsasabi na dahil sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statue ay umiiwas si Pangulong Duterte sa pag-uusig ng ICC kaugnay ng mga kaso ng extra judicial killings at paglala pa ng human rights violations sa bansa.

Muling sinabi ni Panelo na hindi kailanman sinusuportahan ng gobyerno ang extra judicial killings at paglabag sa karapatang pantao dahil patuloy na gumagana ang criminal justice system sa bansa.

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with