^

Police Metro

22-anyos todas sa 14-anyos

Ludy Bermudo - Pang-masa
22-anyos todas sa 14-anyos
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng Osmeña at Pacheco St., ay nakita ng ina ng biktima na nakikipagrambulan ang mga suspek sa isang grupo.
File

Ipinagtanggol si nanay...

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 22-anyos na si Reconiel Cruz, lineman nang ito ay barilin ng shotgun ng isang 14-anyos na sinapak nito dahil sa pagtatanggol sa kanyang ina naganap kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Isa sa tatlong suspek na nadakip ay kinila­lang si Elaine Ambrosio Zamora,19, ng 380 Pilapil St., Tondo. Habang pinaghahanap ang bumaril sa biktima na si alyas Macmac, 14 at Johnren Aguilar Pineda,18 ng San Sebastian St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng Osmeña at Pacheco St., ay nakita ng ina ng biktima na nakikipagrambulan ang mga suspek sa isang grupo.

Inawat ng ina ng biktima ang mga suspek at kalabang grupo na nag­rarambulan dahilan para ito ay matumba.

Nalaman ng biktima ang nangyari sa nanay kaya sumugod sa lugar at sinapak umano si Macmac na hindi nakaganti.

Ilang sandali ay sumulpot si Macmac na angkas sa motorsiklo na minamaneho ni Pineda at nilapitan nito ang biktima at binoga ng shotgun ng ilang beses.

Nang bumagsak ang biktima ay dumating si Zamora na nagmamaneho ng itim na Yamaha Mio at tinulungan si Macmac na tumakas.

Hinabol naman ng ilang concerned citizen at naabutan si Zamora at naaresto.

vuukle comment

BARILIN NG SHOTGUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with