^

Police Metro

Trak vs Van: 2 todas, 2 kritikal

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital sina Rolando Cepede, 57, may-asawa, ng Blk. 2, Lot 7, Console Village; at Krizzele Pantaleon, 20, ng Blk.10, Lot 3, Hoteliers Village, Bayanan, kapwa sa Bacoor City, habang kritikal umano ang lagay nina Rison Lloren, 19 at isa na nakilalang si Jane matapos na salpukin ng trak ang kanilang sinasakyang van kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way Brgy. Lalaan 1 Silang, Cavite. 

 

Naaresto ang driver ng trak na si Daniel Benitez, 52, ng Bonifacio Toledo St., Ligtong 4, Rosario, Cavite.

Sa ulat ng pulis­ya, sakay ang mga biktima ng van na may plakang TGZ-999 na minamaneho ng nasa­wing si Cepeda dakong alas-4:10 ng madaling araw nang ito ay magmaniobra para magpa­karga ng gas.

Subalit, bigla itong nag-alangan kung kaya’t bumalik sa linya nang hindi mapansin ang pagdating ng delivery trak na minamaneho ni Benitez at nasalpok ito.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay halos tumaob ang van na ikinaipit ng mga biktima na natagalan bago nailabas kaya’t hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with