^

Police Metro

Ayuda sa drivers at operators isinusulong ni Imee

Pang-masa

MANILA, Philippines — Para makasabay sa modernization program ng pamahalaan ay isinusulong ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na mabigyan ng “assistance lackage” o ayuda ang mga drivers at operators sa bansa.

 

Sa pamamagitan anya ng pagbibigay ng tulong pinansiyal gaya ng soft loan na dapat na ang termino ng pagbabayad nito ay sa magaan na pamamaraan lamang gaya ng installment ng isang taon sa utang. Dapat din aniyang bigyan ng trade in option ang mga drivers at operators nito upang mapakinabangan pa ang kanilang mga nalumang sasakyan.

Ayon kay Marcos, dapat na matumbok ng modernization program ang dalawang problema sa transportasyon gaya  ng pagpapalit ng mga lumang PUV’s at ang seguridad ng mga drivers at operators nito.

Dapat umanong magkaroon na ng mga bago at eco friendly na mga PUV na nakahanda na at maaari nang ipamasada na ang pagbabayad nito ay hindi makakapagpabigat ng buhay sa mga drivers at operators

Iginiit pa ni Marcos na tumatakbong senador ngayong 2019 midterm elections na ang P80,000 at P5,000 gas subsidy at permanenteng suweldo ng mga drivers ay hindi sasapat para mabayaran ang P1.4 hanggang P2.1 milyon na bagong jeep.

Kung maipapatupad na ang programa ay maaari nang makautang ang mga drivers at operators sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with