^

Police Metro

Dalaga ni-rape ng birthday boy

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi sukat akalain ng isang 23-anyos na dalaga na itinago sa pangalang Maricar na ang pagdalo niya sa birthday ng suspek na kanyang dating katrabaho ang sisira sa kanyang kinabukasan matapos na lasingin at gahasain noong Sabado ng gabi sa Brgy. Bintog, Plaridel, Bulacan.

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si Jericho Austria, 31, binata, residente ng South Sunbeam ng nasabing barangay.

Nabatid na inimbita ng suspek ang biktima na taga Malate, Maynila na dumalo sa kanyang kaarawan na gaganapin sa kanyang bahay sa Bulacan at isinama ng huli ang pinsan na si Aura Mina.

Nang malasing ang dalawang babae ay dito na inumpishan ng suspek na halayin ang biktima na pinigilan ni Mina.

Subalit, walang nagawa si Mina dahil malakas ang suspek at nanghihina din ito dahil sa kalasingan.Habang ginagahasa ay binidyuhan ni Mina ang suspek.

Nang makaraos ang suspek ay pinauwi na nito ang magpinsan na agad nagsumbong sa mga pulis at ipinakita ang video nang panghahalay kaya’t inaresto ang suspek na natutulog.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with