Mister dakip sa pagdedeliber ng droga sa Angkas driver
MANILA, Philippines — Isang mister ang nadakip makaraang magpa-deliber ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Angkas driver sa Pasig City,kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang suspek na si Mikko Berino, nasa hustong gulang ng Barangay Rosario, Pasig City.
Sa ulat,dakong alas-5:00 ng umaga nang maaresto ang suspek sa Amang Rodriguez, tapat ng Gomez Village, Barangay Rosario nang humingi ng tulong sa pulisya ang Angkas driver na si Jeffrey Francisco, nang maghinala na mga pinatuyong dahon ng marijuana ang laman ng pakete na ipinade-deliber sa kanya sa suspek.
- Latest