^

Police Metro

Drayber, 2 pa sugatan sa 22-wheeler

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sugatan ang tatlong katao kabilang ang isang taxi driver matapos sumalpok sa kongkretong poste ang isang 22-wheeler container truck at araruhin ang minamaneho nitong taxi naganap sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

 

Ginagamot sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang kinilalang si Ricardo Almedora, driver ng Toyota Vios na taxi at dalawang babaeng inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Inaalam pa rin ang kumpanyang may-ari ng 22-wheeler truck upang matunton ang tumakas na driver at pahinante.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Vehicle Traffic Investigation Section (MPD-VTIS), dakong ala-1:30 ng hapon nang mawalan umano ng kontrol ang driver ng truck habang papaliko sa kanto ng United Nations Ave. at Romuladez Sts., dahilan upang sumalpok ito sa poste at umararo pa sa taxi na nadamay pati ang dalawang babaeng tumatawid.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with